Tax-exemption sa mga local manufacturer ng surgical masks, iginiit

Tax-exemption sa mga local manufacturer ng surgical masks, iginiit

NAIS ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na bigyan ng tax exemptions ang mga Fiipino company na gumagaw ang mga surgical masks, personal protective equipment (PPEs), test kits, ventilators, at iba pang medical products na ginagamit ngayon panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Senate Bill No. 1759 o ang proposed Pandemic Protection Act of 2020, sinabi ni Pangilinan na dahil sa pandemya, lumitaw na wala sa Pilipinas ang gumagawa ng mga mahahalagang medical supplies at ang raw materials para rito ay kadalasang kapos at mataas ang presyo.

“Kinumbinsi pa ng Board of Investments ang mga existing manufacturing firms na mag-repurpose ng kanilang operations. Kaya lang, nakikipagkumpetensya pa rin itong mga manufacturing firms sa mga substandard imported product, pekeng imported PPEs, at mas pinapaborang imported PPEs kaysa sa gawang Pinoy,” saad ni Pangilinan.

Dahil dito, iginiit ni Pangilinan na dapat isulong ang pagbibigay ng insentibo sa mga local manufacturers at producers upang mas marami ang mahikayat na gumawa nito.

Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay prayoridad sa mga produkto na gawang-Pilipino.

“At dahil ayon sa mga eksperto, matagal-tagal pa bago magkaroon ng bakuna kontra-COVID, kailangang masiguro na merong mga gumagawa ng mga surgical masks, PPEs, test kits, mga gamot dito sa Pilipinas para sa mga Pilipino,” diin ng senador.

Alinsunod din sa panukala, maging ang importasyon ng capital equipment, spare parts at accessories, raw materials, at iba pang pangangailangan ay dapat na exempted din sa Customs duties, Value-Added Tax (VAT), at iba pang bayarin tulad ng import processing fees at mga sinisingil ng Bureau of Customs (BoC), Food and Drug Administration (FDA), at iba pang ahensya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: