Ex-Manila Mayor, Senator Alfredo Lim pumanaw na

Ex-Manila Mayor, Senator Alfredo Lim pumanaw na

NABIGO sa kaniyang laban kontra sa COVID-19 si dating Manila Mayor at Senador Alfredo Lim nang tuluyan nang pumanaw sa pagamutan.

Kinumpirma ang pagpanaw ni Lim ng kaniyang apo na si Paul Dela Cruz sa Facebook post.

Nitong Biyernes unang pumutok ang pagkakaroon ng COVID-19 ni Lim. Kasunod nito, sinabi ng kaniyang tagapagsalita na nakakarekober na si Lim.

Huling tumakbo si Lim bilang alkalde sa Maynila ngunit natalo kay Mayor Isko Moreno noong nakaraang eleksyon.

Dati ring pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 90-anyos na si Lim at dati ring tumakbo sa pagka-presidente ngunit natalo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: