Bood plasma fo sale laban sa COVID-19, talamak na

Bood plasma fo sale laban sa COVID-19, talamak na

PARA magka-pera, may ilang tao na umano ang sinasadya na magpahawa ng COVID-19 para makapagbenta ng ‘convalescent blood plasma’ sa oras na gumaling na sila.

Ito ang ibinulgar ng DOH makaraang makarating rin sa kanila ang mga ulat ng pagbili ng pamilya ng mga pasyente na bagong tinamaan ng virus ng blood plasma buhat sa mga pasyenteng gumaling, mga hospital staff at mga fixer.

“The DOH emphasizes that these alleged transactions and practices are illegal, reckless and dangerous. Those individuals do not only place their lives at risk, but they also put their families and communities at risk when they voluntarily get infected,” ayon sa DOH.

Matatandaan na ginagamit ng Philippine General Hospital (PGH) ang ‘blood plasma’ sa paggagamot sa mga pasyente ng COVID-19. Ilang senador na rin ang nag-donate nito kabilang na si Senador Sonny Angara para makatulong sa ibang pasyente na nakaratay dahil sa virus.

Paalala pa ng DOH na ang hindi kontroladong pagbebenta at walang kaalaman na paggamit ng blood plasma ay maaaring magdulot pa ng mas malalalang sakit tulad ng HIV, hepatitis, at malaria.

“Trading blood and other blood products, including those from recovered COVID-19 patients, is not only illegal but highly dangerous. Convalescent Plasma should not be for sale and should be voluntarily donated for COVID-19 patients in need,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Tanging ang Philippine Blood Center at Philippine Red Cross-Port Area lamang ang sertipikado na ‘non-hospital convalescent plasma collection facilities’ habang ang Philippine General Hospital at St. Luke’s Medical Center ang sertipikadong mga pagamutan para mangolekta nito para magamit sa kanilang internal protocols.

Leave a Reply

%d bloggers like this: