Hoarders ng face shield, kakasuhan

Hoarders ng face shield, kakasuhan

HAHABULIN at pananagutin ng pamahalaan ang mga abusadong negosyante na sangkot sa hoarding ng mga face shields para artipisyal na tumaas ang presyo nito, ito ang pangako ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kasabay nito, hinikayat ni Guevarra ang mga konsyumer na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may alam na mga negosyante na sangkot sa iligal na gawain upang mapanagot.

“Any person who has information on overpricing (of face shields) may report the same to the DTI, and the DOJ (Department of Justice) will prosecute violators in accordance with existing laws,” ayon kay Guevarra.

Tumaaas ang pangangailangan sa face shield makaraan ang polisiya ng Department of Transportation na bukod sa face mask ay kailangan rin itong laging isuot tuwing sasakay sa pampublikong transportasyon.

Tinuligsa naman ito ng iba’t ibang sektor maging si Senador Imee Marcos na nanawagan sa pamahalaan na magbigay na lamang ng libreng face shield dahil sa magiging dagdag na gastusin pa ito ng mga mahihirap na manggagawa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: