John Regala, bumubuti ang kondisyon

John Regala, bumubuti ang kondisyon

KINUMPIRMA ng aktres na si Nadia Montenegro na stable na ang kalagayan ng atay ng aktor na si John Regala na naka-confine ngayon sa National Kidney Transplant Institute (NKTI).

Una nang inamin ni Regala sa kanyang Facebook page na mayroon siyang liver cirrhosis dahilan ng paglaki ng kanyang tiyan.

Gayunman, sinabi ni Montenegro na iniinda ngayon ni Regala ang matinding gout.

Kinumpirma rin ng aktres na sa ngayon ay binibigyan pa ng antibiotics at pain management si Regala na sa kasalukuyan ay wala rin anyang lagnat, ubo o pananakit ng tiyan.

“Presently, we are awaiting remaining tests from the fluid taken from John’s knee to determine if it is safe to administer steroids,” saad ni Montenegro sa kanyang Instgram post.

Nangako naman si Montenegro na patuloy na magbibigay ng update sa kalagayan ni Regala kasabay ng pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong sa aktor.

Leave a Reply

%d bloggers like this: