Philhealth President: Hindi na nirespeto ang privacy ko!

Philhealth President: Hindi na nirespeto ang privacy ko!

UMALMA si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales sa anya’y hindi pagrespeto kanyang privacy makaraang lumabas ang kanyang medical record.

“As President and Chief Executive, it is my duty to represent the corporation while still physically capable. I regret that my privacy was not respected,” saad ni Morales sa isang pahayag.

Tiniyak din ni Morales na handa pa rin siyang dumalo sa Senate hearing sa Martes bagama’t inirerekomenda niyang payagan siyang gawin ito sa pamamagitan ng online dahil sa kanyang immunocompromised state.

“PhilHealth President and CEO Brig. Gen. (Ret.) Ricardo C. Morales submitted his medical certificate, as required, to request Senate to allow his online instead of his physical presence,” paglilinaw naman ng Philhealth.

Bagama’t na-diagnose ang cancer ni Morales noon pang Pebrero, patuloy ito sa pagganap sa kanyang tungkulin sa ahensya.

Bukod kay Morales, nagsumite rin ng medical certificate sa Senado si PhilHealth executive vice president Arnel De Jesus.

Sa sulat din ni de Jesus kay Senate President Tito Sotto, hiniling nito na i-excuse siya sa pagdinig sa Martes dahil sa kanyang confinement sa pagamutan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: