De Lima: Imbestigahan ang Covid deaths sa Bilibid

De Lima: Imbestigahan ang Covid deaths sa Bilibid

HINILING ni Senador Leila de Lima sa Senado na imbestigahan ang kawalan ng transparency ng Bureau of Corrections sa mga kaso ng pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID 19.

Sa kanyang Senate Resolution 491, iginiit ni De Lima ang pagsisiysat sa pagkamatay ng siyam na high-profile inmates kabilang na si Jaybee Sebastian na nakadetine sa Maximum Security Compound.

Sinabi ni de Lima na nakakadura ang pagkamatay ng mga preso partikular sa sistema ng health protocols at procedures na ipinatutupad sa sa NBP.

Batay sa datos, nasa 476 preso na ang nasawi sa iba’t ibang kulungan sa bansa mula Enero hanggang Hulyo o daily average na dalawa hanggang tatlong preso na namatay.

Sa mga ito, 21 ang kumpirmadong dahil sa COVID-19 habang 24 na ang hinihinalang virus din.

Kasama rin sa siyam na high-profile inmates bukod kay Sebastian, sina Amin Imam Boratong, Benjamin Marcelo, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Francis Go, Jimmy Yang, Eugene Chua at Ryan Ong.

Sinabi ni De Lima na may mga ispekulasyon sa pagkamatay ng mga inmate na dapat busisiin.

“The lack of transparency of BuCor with regard to deaths and of the true extent of contagion in jails and prison facilities, together with overcrowding, absence of reliable testing, inadequate health facilities, lack of protective medical equipment, non-implementation of physical distancing and health protocols inside jails and prisons, all show that the government failed in its duty to protect basic human rights and to value dignity of PDLs,” diin ni De Lima.

Leave a Reply

%d bloggers like this: