Face mask sa loob ng bahay, inirekomenda

Face mask sa loob ng bahay, inirekomenda

PAPAYAG ka ba na magsuot ng face mask sa loob ng sariling bahay? Ito kasi ang isinusulong ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sinusugan ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, nararapat lamang ang pagsusuot ng face masks sa loob ng bahay sa mga pagkakataon na may miyembro ng pamilya na positibo sa COVID-19 ngunit ‘asymptomatic’ at kung may miyembro ng pamilya na kabilang sa ‘vulnerable population’ o madaling mahawahan ng sakit.

Kabilang sa mga ‘vulnerable citizen’ ang mga senior citizen, may mga nararamdamang sakit o kundisyong-medikal o mababa ang ‘immune system’.

Kasabay nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman kailangang i-ban ang rapid testing kits dahil sa may iba namang gamit ang mga ito. Maglalabas umano sila ng mga panuntunan kung paano magagamit at mapakikinabangan ang mga rapid test kits.

“Pwedeng gamitin ang rapid antibody test sa mga pasyente na nakaka-recover na o pwede nang ma-tag as recovered,” ayon kay Vergeire.

Ipinaliwanag niya na sa ika-21 araw ng pagkakasakit ng pasyente, maaari nang magamit ang rapid test kits na tutukoy kung nakalikha na ang katawan ng anti-bodies laban sa COVID-19 tulad ng ‘immunoglobulin G’ tanda na gumaling na nga ang pasyente.

Muli niyang iginiit na hindi maaaring gamitin ang rapid test kits sa COVID-19 screening dahil sa mataas ang ‘false positive o false-negative’ na resulta nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: