Lifestyle check sa mga opisyal ng PhilHealth

Lifestyle check sa mga opisyal ng PhilHealth

ISASAILALIM sa lifestyle check ng Department of Justice ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na itinurong mga sangkot sa katiwalian at naglustay ng bilyon-bilyong pondo nito.

Pinayuhan rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal na isinasailalim sa imbestigasyon na mag-levae of absence muna tulad ng ginawa ni PhilHealth CEO Ricardo Morales.

Kahapon, inumpisahan ng Department of Justice (DOJ) at ng inter-agency task force na binuo nitong Biyernes ang paglikha ng istratehiya sa imbestigasyon partikualr sa mga tututukang mga isyu sa maigsing oras na ibinigay sa kanila.

Sinabi ng kalihim na sa pagkakataong ito ay personal niyang pamamahalaan ang operasyon ng task force sa tulong ng kaniyang mga undersecretaries at assistant secretaries maging ang mga abogado ng DOJ.

Nabatid na binigyan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30 araw ang task force para isumite sa kaniya ang mga matutuklasan sa ikakasang imbestigasyon at rekomendasyon. Ito ay sa kabila ng kasalukuyang isinasagawa rin na imbestigasyon ng Senado kunbg san natuklasan ang nasa P15-bilyon na nawaldas sa PhilHealth.

Leave a Reply

%d bloggers like this: