P2.4 bilyon pambili ng bakuna

P2.4 bilyon pambili ng bakuna

MAKAKATIYAK na ang mga Pilipino na may aabangan nang bakuna kontra sa COVID-19 makaraang magtabi na ang Department of Health (DOH) ng inisyal na P2.4 bilyong pondo para sa pagbili nito buhat sa China.

“We allocated P2.4 billion for purchase of COVID-19 vaccine. We don’t know how much we can be able to procure, pero madadagdagan pa naman iyan (P2.4 billion),” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.

Sinabi rin niya na nangako na ng bakuna para sa 20 milyong tao o 20 porysento ng populasyon ng bansa ang mga kausap nilang manufacturers. Maaari pa naman umano itong magbago kung madadagdagan o liliit.

“The vaccine has two doses, that would be 40 million doses. We are still working with DOST, DFA and DOF, pero we had set aside money and this can be augmented once na dumating na ang vaccine at ang cost nito,” paliwanag pa ng opisyal.

Nitong Hulyo 31 unang inihayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa 40 milyong doses ng bakuna ang ilalaan sa Pilipinas bago mag-Disyembre. Karamihan sa mga ito ay mula sa China.

Leave a Reply

%d bloggers like this: