Public viewing sa labi ni Mayor Lim

Public viewing sa labi ni Mayor Lim

MAY pagkakataon na ang mga taga-Maynila at ibang tagasuporta na masaksihan ang labi ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa pinaplanong public viewing ng Manila City Hall matapos ang MECQ.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na plano nilang isagawa ito sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall na ipinagawa ni Lim noong siya pa ang nanunungkulan na alkalde.

Sa panuntunan ng Department of Health (DOH), kailangang ma-cremate ang bangkay ng isang pasyente na dinapuan ng COVID-19 sa loob ng 12 oras kaya inaasahan na ang urna ng dating alkalde, Senador, at heneral ang ipakikita sa publiko.

Inilagay na rin sa ‘half-mast’ ang watawat sa Bonifacio Shrine at pinatay ang ilaw sa Manila City Hall Clock Tower bilang senyales ng pagluluksa at paggalang sa dating punong-lungsod.

Sinabi rin ni Moreno na karapat-dapat na alalahanin ng mga taga-Maynila at ng mga susunod pang henerasyon si Lim dahil sa kaniyang hindi mapapantayang kontribusyon sa siyudad.

Pinasalamatan naman ni Christy Lim-Raymundo, anak ni Lim ang lahat ng sumuporta at nakiramay sa pagpanaw ng kanyang ama.

Si Lim ay pumanaw noong Sabado ng alas 4:30 ng hapon sa edad 90.

Leave a Reply

%d bloggers like this: