305 Pasaway sa Muntinlupa, dinampot

305 Pasaway sa Muntinlupa, dinampot

HINDI pa rin mapigilan ang pagiging pasaway ng ilan makaraan na305 tao ang dinampot sa lungsod ng Muntinlupa sa ikinasang Oplan Galugad ng Muntinlupa City Police kamakalawa ng gabi.

Pinakamarami sa mga dinampot ang 197 na mga lumabag sa curfew hours na mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw, nasa 78 naman ang nahuli sa hindi pagsusuot ng face masks at 30 ang hinuli dahil sa walang mga quarantine pass sa labas ng kanilang bahay.

May nakalaang multa na mula P300, P500 hanggang P1,000 sa mga lumabag sa ordinansa sa curfew at face mask depende kung pang-ilang beses na silang nahuli.

Para naman sa mga menor-de-edad na violators, maaari silang pagsabihan lamang sa unang paglabag at sa ikalawa ay maaaring tanggalan ng scholarship o kaya ay P300 hanggang P500 na tulong-pinansyal na ibinibigay sa mga mag-aaral sa lungsod.

Sinabi ni Muntinlupa Public Information Officer Tez Navarro na magpapatuloy sa pag-iikot ang mga pulis, security officers at mga tauhan ng barangay para tiyakin na susunod ang mga residente ng lungsod sa mga protocols para tuluyan nang mapatid ang pagkalat ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: