Bayanihan II, aprubado sa Kongreso

Bayanihan II, aprubado sa Kongreso

INAPRUBAHAN na ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang Bayanihan to Recover As One Act o ang Bayanihan II upang maipagpatuloy ng pamahalaan ang pagtugon sa matinding epekto ng krisis dulot ng COVID 19 .

Sa botong 242 pabor, anim ang tutol at walang abstention ay ipinasa ang House Bill 6953 upang mabigyan ng tulong ang mga Pilipinong grabeng naapektuhan ng pandemya .

Nakapalood sa Bayanihan II ang paglalaan ng P 162 bilyon standby fund na gagamitin sa pagsuporta sa mga operasyon at pagtugon sa mga hakbangin para maresolba ang krisis sa kalusugan dulot ng COVID 19.

Kabilang dito ang P 10 bilyon sa PhilHealth COVID 19 coverage, P 10.5 bilyon sa pag-hire ng karagdagang health care workers , pagkakaloob ng risk allowance, life insurance, kompensasyon sa mga nasawi sa kritikal na sakit; P3 bilyon sa pagbili ng mga Personal Protective Equiptments (PPEs ) ng mga frontliners,at P4 bilyon sa pagtatayo ng mga quarantine/isolation facilities.

Kasama rin dito ang P20 bilyon sa implementasyon ng cash for work programs, P51 bilyon sa bagong capital para sa mga pinansyal na institusyon ng pamahalaan , P20 bilyon sa low-interest credit sa sektor ng agrikultura at iba pa.

Layon ring magbigay ng karagdagang P 5,000 hanggang P 8,000 subsidiya sa mga apektadong pamilya sa informal sector sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na naapektuhan ng pandemya at hindi sapat ang suweldo.

Itinatakda rin dito ang pagkakaloob ng cash for work sa mga mangagawa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID 19 sa mga empleyado ng mga apektadong negosyo sa formal sector na nagkakahalaga ng P 5,000 hanggang P 8,000.

Una nang inaprubahan ng Senado ang bersiyon nito sa nasabing panukalang batas . Ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay magtatakda ng Bicameral Conference Committee upang talakayin ang mga hindi pinagkakasunduan sa probisyon ng panukalang batas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: