Belgica: Grabe ang kawalanghiyaan sa Philhealth

Belgica: Grabe ang kawalanghiyaan sa Philhealth

BINIGYANG-DIIN ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) President Grego Belgica na ang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na nagmumula sa ulo hanggang paa.

Sa kanyang pagharap sa Senado, sinabi ni Belgica nasa P3 bilyong pondo ang linggo-linggong nalalagay sa panganib sa kamay ng mga tiwali sa Philhealth.

“Madami na kaming inimbestigahan, kinasuhan, pinatanggal at pinakulong, Pero ang isyu ng PhilHealth: Grabe po ito. Grabe ang nakawan, grabe ang kakapalan, grabe ang kawalanghiyaan,” saad ni Belgica.

“Mula ulo hanggang paa ang corruption,” giit nito.

“Ito ang unang isyu na kailangan nating i-address ngayon dahil P2 billion hanggang P3 billion ang inilalabas ng PhilHealth linggu-linggo ay exposed sa corruption,” diin pa ni Belgica.

Sinabi ni Belgica na ang malaking dahilan ng iregularidad sa ahesya ay ang kawalan ng transparency at validation mechanism.

“Ang issue ng PhilHealth ay issue ng bawat Pilipino, dahil ang mandato nito ay siguraduhin na tutulungan tayo sa mga bayarin sa ospital kapag tayo ay nagkasakit,” diin pa ni Belgica.

“Kung grabe ang sakit ng Pilipino, mas grabe ang sakit ng PhilHealth. Kawawa po ang Pilipino,” dagdag pa nito.

“Dahil sa nakawan, namimeligro tayo na mawalan ng pondo. Paulit-ulit ang imbestigasyon pero walang nababago,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: