Lacson sa Philhealth Official: Huwag mo kami lokohin

Lacson sa Philhealth Official: Huwag mo kami lokohin

KINASTIGO ni Senador Panfilo Lacson ang dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa mga katiwalian sa ahensya.

Unang nakatikim ng inis ni Lacson si Senior Vice President for Information Management Sector Jovita Aragona nang talakayin nila ang pagtatangka ng ahensya na bilhin ang 15 umanong “nearly obsolete” network switches (Cisco 2960-XR24 port) sa halagang P320,000 bawat isa.

“‘Yung item na ‘yan ay medyo luma na. Nag-depreciate na ‘yung price niya overtime… Obsolete na ‘yung 2960 [kasi] 2016 pa ‘yun,” saad ng nagresign na executive assistant ni Philhealth President Ricardo Morales na si Etrobal Laborte.

Sinabi ni Laborte na sa halip na ang naturang modelo, dapat ibang unit ang bilhin ng PhilHealth na ang presyo ay nasa P62,000 lamang bawat isa.

Kinontra naman ito ni Aragona sa pagsasabing magkaiba ang technical specifications ng dalawa na agad ding pinabulaanan ni Laborte na isang dating IT officer sa United Nations.

“Ma’am hindi po yan (Cisco 2960-XR24) ‘yung binibili natin. End of last support and end of service support na ‘yan nung 2019… Ayan po, nakapirma po kayo,” diin ni Laborte.

Sa puntong ito, binalaan ni Lacson si Aragona at sinabihang “Wag mo lokohin ‘yung 24 senators. Para ma-justify mo ‘yung binibili mo, iniiba mo ‘yung specs.”

“End of sale na siya nung July. Kung end of sale, hindi na ‘yan available sa market. Bakit ka pa magce-certify na ‘yan ang bibilhin ng August 5 kung hindi na available?” tanong pa ni Lacson.

“Niloloko niyo kami iba ‘yung binibili niyo eh you have your signature fixed here,” diin pa nito.

Nairita rin si Lacson kay Senior Vice President Rodolfo del Rosario nang magpost ito sa Facebook hinggil sa anya’y mga kampon ng satanas.

“Tapos we will see sa Facebook account ni del Rosario kami mga kampon ni satanas, mga mapanuri na kampon ni satanas, yun ang tawag sa amin dito,” diin ni Lacson.

Sinabi naman ni del Rosario na hindi ang mga senador ang kanyang pinatutungkulan sa naturang post.

Leave a Reply

%d bloggers like this: