Scammer na contact tracers, nambibiktima

Scammer na contact tracers, nambibiktima

“This is to inform the public of a new scheme fraudelenty misrepresenting the DOH. We have received reports of citizens getting calls from certain individuals misrepresenting themselves as members of the DOH Contact Tracing Team.”

Ito ang babala sa publiko ng Department of Health (DOH) makaraang makarating sa kanila ang ulat ng pagtawag ng mga scammer na nagpapanggap na contact tracers at nangongotong sa mga tinatakot na pamilya.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon kapag nakatanggap ng tawag sa telepono buhat sa mga nagpapakilalang contact tracers dahil sa wala umano silang ‘contact tracing team’. Kung magpakilala naman na contact tracers ng lokal na pamahalaan, kailangang kunin munang mabuti ang lahat ng kanilang impormasyon at bepepikahin.

“They maliciously ask for personal information and extort money in the process. The public is advised and not entertain these calls. Do not put your security at risk,” ayon pa sa advisory ng kagawaran.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon at habulin ang naturang mga kriminal.

Inabisuhan rin nila ang mabibiktima ng mga manloloko na isulat ang phone number at i-block saka iulat ito sa DOH Call Center Hotline a pamamagitan ng pagtawag sa (632) 8651-7800 local 5003-5004 o kaya ay mag-e-mail sa callcenter@doh.gov.ph.

Leave a Reply

%d bloggers like this: