3 Milyong manggagawang Pinoy, apektado ng pandemya

3 Milyong manggagawang Pinoy, apektado ng pandemya

PATULOY ang pasakit na dulot ng COVID-19 sa mga manggagawa makaraang iulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa tatlong milyong Pilipinong manggagawa na ang apektado ng pandemya dahil sa paghina ng ekonomiya.

Sinabi ng DOLE na nitong Hulyo 5, nas 2.7 milyon ang naitala nilang manggagawa na apektado ng pandemya ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at implementasyon ng quarantine protocols ay nadagdagan pa ito.

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello na sa tatlong milyon, nasa 1.9 milyon ang apektado sa dahilang napuwersa silang sumailalim sa ‘flexible working condition’ bilang bahagi ng pagtitipid at pag-iingat ng mga kumpanya.

Nasa 1.2 milyong manggagawa naman ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa napilitan muna ang maraming kumpanya na pansamantalang magsara o magbaba ng gastos.

Inamin rin ng kalihim na libo-libong kumpanya na ang nagpasabi sa kanila na magsasara ngunit marami rin sa kanila ang pansamantala lamang hanggang hindi natatapos ang pandemya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: