Face shield obligado na ring isuot sa opisina, pabrika

Face shield obligado na ring isuot sa opisina, pabrika

MAGIGING obligado na ring isuot ang face shields sa mga opisina at maging pabrika makaraang ipanukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing mandatory ang pagsusuot hindi lang ng face mask ngunit maging face shields sa mga empleyado sa kanilang mga pook-gawaan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ginagawa na nila ang ‘health protocols’ para sa workplaces na target ang mga empleyado habang nasa oras ng kanilang trabaho.

Kabilang sa panukala na kailangang sagutin ng mga employers o may-ari ng mga kumpanya ang face shields na gagamitin ng kanilang mga tauhan. Papatawan ng parusa ang mga hindi susunod sa bagong protocol.

Una nang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) ng mandatory na pagsusuot ng face shield habang nas aloob ng mga pampublikong sasakyan.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi dapat tataas sa P50 kada piraso ang presyo ng ordinaryong face shield na nagkalat ngayon sa merkado.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DIT) para maglabas sila ng SRP (suggested retail price) .

Leave a Reply

%d bloggers like this: