House-to-house na bakuna sa Makati City

House-to-house na bakuna sa Makati City

INUMPISAHAN na ng Makati Local Government Unit (LGU) ang house-to-house na pagbabakuna sa nasasakupang 33 barangay o mahigit 500,000 indibidwal laban sa mapanganib na trangkaso at pulmonya.

Alas 8:00 ng umaga kahapon ng ilunsad ng Makati Health Department (MHD) ang community vaccination drive sa Barangay Pembo.

Ayon sa MHD, libreng makatatanggap ng trivalent flu shots na may tatlong strains o ang influenza A (H1N1), Influenza A (H3N2) at Influenza B. Kasunod nito ang pagbibigay pa ng pneumococcal vaccines para iwas pneumonia na kabilang din sa kumplikasyon na dulot pagkakaroon ng ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una nang nabigyan ng flu vaccines ang frontliners at essential workers para mas mapalakas ang kanilang katawan bukod pa sa tinatanggap na libreng Vitamin C at B Complex sapul nang magsimula ang enhance community quarantine noong Marso.

Patuloy pa rin sa pagbabakuna ng nasa 9,706 na empleyado ng Makati City Hall ang lokal na gobyerno kung saan inuna na ang mga doktor, nars at iba pang healthcare workers

Leave a Reply

%d bloggers like this: