Pagbubukas ng klase sa August 24, huwag ituloy

Pagbubukas ng klase sa August 24, huwag ituloy

INIREKOMENDA ng mga senador ang Department of Education na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga Covid 19.

Sa pagdinig sa Senado, inirekomenda ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Win Gatchalian sa mga opisyal ng DepEd na maaga nang makipag-ugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan sila ng malinaw na gabay kung itutuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24.

Ipinaalala ni Gatchalian na sa ngayon ay marami pang lugar ang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine kasama na ang National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal hanggang Agosto 18 at posible pang mapalawig dahil sa tumataas pa ring kaso.

Aminado naman si DepEd Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan na mahihirapang kumilos ang mga teaching at non-teaching personnel kung mapapalawig pa ang MECQ kaya’t hihilingin nila ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para sa pamamahagi ng learning modules.

Iginiit naman kay Senador Francis Tolentino, mas makabubuting iatras ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa Oktubre upang mas mabigyan ng panahon ang paghahanda para sa blended leaning.

“Our common and ultimate goal is the protection of our learners. There is no disagreement on that. However, different localities have varying health circumstances, and hence will need varying approaches in the delivery of education. It will be wise perhaps for DepEd to consider opening classes on a per regional health and connectivity situation basis,” saad ni Tolentino.

Ayon kay Union of Local Authorities of the Philippines President, Governor Dakila Carlo Cua, inirerekomenda rin ng mga lokal na pamahalaan ay pabor na iatras pa ang pagbubukas ng klase.

Gayunman, ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na sa kasalukuyan ay naninindigan sila na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 subalit nilinaw na sa mga lugar sa ilalim ng MECQ ay walang mangyayaring physical contact sa mga magulang, guro at mga estudyante.

Sinabi ni Umali na sa unang dalawang linggo ng klase ay nakapokus pa sa psychosocial sessions muna at hindi pa nangangailangan ng pamamahagi ng modules.

Maaari rin anyang opsyon ay ang bubuksan ang klase subalit ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ ay magdedeklara ng suspensyon ng klase alinsunod sa kanilang guidelines.

Leave a Reply

%d bloggers like this: