Wala dapat bumagsak na estudyante sa panahon ng pandemya

IGINIIT ng dalawang senador na huwag dagdagan ng pressure ang mga estudyante at tiyaking walang babagsak sa mga ito sa pagpapatupad ng blended leaning sa panahon ng COVID 19 pandemic.

Sinabi ni Senate Majority Migz Zubiri na hindi dapat bigyan pahirapan ang mga estudyante na nag-aadjust din sa bagong sistema ng pag-aaral.

“Agree ako dyan, it’s an emergency situation para tayong nasa giyera pero ang kaaway natin Covid. We need to give leeway sa estudyante,” pahayag ni Zubiri.

Sa suhestyon ni Zubiri, mas makabubuting huwag na munang magbigay ng markang bagsak ang mga guro sa loob ng unang dalawang quarter ng pag-aaral o hangga’t hindi pa nagkakaroon ng bakuna laban sa Covid19 at nakakabalik as face to face classes ang mga paaralan.

“For the first two quarters dapat wala munang failed para hindi ma-stress ang kabataan,” idinagdag pa ng senador.

Sa pagdinig sa Senado, inulit ni Senador Bong Go ang kanyang kahilingan na sa Department of Education na habang hindi pa normal ay ipasa muna ang lahat ng mga estudyante.

“Ang hiling ko lang po sa ating mga opisyales ay ang pag-aralan ang posibilidad na gamitin ang online at offline learning. Syempre, ayaw natin na maantala ang klase, ngunit mas prayoridad pa rin natin ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga kabataan. Habang hindi pa po normal, sana wala na lang bumagsak para hindi ma-pressure ang mga estudyante,” pahayag namna ni Go.

Leave a Reply

%d bloggers like this: