Bagong PhilHealth scam, P15.4 Bilyon natangay sa pekeng pneumonia claims

Bagong PhilHealth scam, P15.4 Bilyon natangay sa pekeng pneumonia claims

ISA na namang bagong scam ang nadiskubre sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ).

Ito ay nang matuklasan na umaabot sa P 15.4 bilyon ang nawala sa kaban ng PhilHealth mula 2014 hanggang 2018 dahilan sa pamemeke ng pneumonia claims.

Ito ang inihayag ni 2nd District Marikina City Rep.Stella Quimbo kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accounts at House Committee on Accounts sa malawakang korapsyon sa PhilHealth.

Idinetalye ni Quimbo ang nag-leak na pagkawala ng bilyong pondo sa PhilHealth dahilan sa pekeng claims sa respiratory illness kung saan kabilang dito ang ghost claim ng non-existent na pasyente sa pneumonia o upcasing.

Ayon sa lady solon ang ‘upcasing ‘ ay ang sabwatan umano ng mga tiwaling opisyal ng PhilHealth at ng hospital para magsumite ng claims sa pneumonia mula P 15,000 hanggang P32,000 kada pasyente depende kung gaano kagrabe ang kondisyon. Kabilang pa umano dito ay isinasama rin ang mga pasyenteng may simpleng ubo at sipon sa pekeng claims.

Noong 2018, sinabi ni Quimbo ay umabot sa P 3.6 bilyon ang pekeng pneumonia claims kung saan ang pondo ay dapat nagamit sana sa mga hospitalisasyon at medikasyon ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID 19.

“On the average, PhilHealth paid P14,445 per claim in 2018, hence, the value of ghost and upcased claims is estimated at P3.6 billion in 2018”, ayon sa lady solon. Ayon kay Quimbo nitong 2018 ang bilang ng PhilHealth claims sa sakit na pneumonia ay umaabot sa 757,226 na higit pa sa bilang ng mga pasyente na nakatala sa data ng Department of Health(DOH) .

“In short, mas madami pa na sumingil sa PhilHealth para sa pneumonia kumpara sa bilang ng DOH sa mga totoong pasyenteng dinapuan ng pneumonia,” kung saan kabilang umano dito ay mga ghost claims.

Sa pagdinig ng Kamara, inamin naman ng mga opisyal ng PhilHealth na nasa P14.9 B ang kanilang naibigay sa Interim Reimbursement Mechanism (IRMs pero nasa P2.4 bilyon lamang ang na-liquidate.

Leave a Reply

%d bloggers like this: