Mas maraming jeep papasada sa pagbabalik ng GCQ

Mas maraming jeep papasada sa pagbabalik ng GCQ

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mas madaming pampasaherong jeep ang papasada sa Metro Manila sa oras na bumalik na sa General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay LTFRB chief Martin Delgra , na hindi lamang mga passenger jeepney kundi mga bus at iba pang utility vehicles ang makakapasada sa Metro Manila.

Mas nasentro lamang umano ang LTFRB sa pagpapalabas ng permit ng mga jeep dahil mas maraming commuters ang sumasakay dito sa kalakhang Maynila.

Una nang nagpahayag ang Department of Transportation (DOTr) ng kahandaan sa pagbabalik ng air, land, at maritime transport sectors.

Sa 4,600 bus units sa Metro Manila, mayroon lamang na 3,662 ang nakakuha ng special permits at ang iba ay patuloy na sinusuri ng LTFRB kung nakapag-comply na sa mga kaukulang requirements.

Leave a Reply

%d bloggers like this: