Mas maraming jeep, papayagan nang bumiyahe

Mas maraming jeep, papayagan nang bumiyahe

KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na halos 1,000 pang traditional public utility jeepneys (PUJs) ang papayagang bumiyahe sa 15 dagdag na ruta sa sandaling ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

“Pwedeng bumiyahe ang mga traditional PUJs sa mga rutang nakasaad sa MC nang walang SPECIAL PERMIT,” pahayag ng LTFRB.

“Ngunit kapalit ng SPECIAL PERMIT ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada. Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit,” paglilinaw ng ahensya.

Kabilang sa papayagang ruta ang mga sumusunod:

T115 Malabon – Monumento via Acacia T116 Cielito- Novaliches via Zabarte
T117 Novaliches – Deparo via Susano
T118 SM Fairview – Lagro Subd. Loop
T119 Meycauayan, Bulacan – Bignay
T120 Pantranco – Project 8 via Roosevelt
T217 Forbes Park – Pasay Rd. via Ayala Commercial Center
T218 Pasig – Taguig via Maestrang Pinang, Tipas
T219 Marikina – Paenaan
T220 Katipunan – Marcos Ave/Tandang Sora
T347 Cabrera – Libertad
T348 Arroceros – Cubao via España
T349 Quiapo (Barbossa) – Santol, Sta. Mesa
T350 Dagat-dagatan – Delpan via Divisoria
T351 Quiapo – San Miguel via Palanca

Ipinaalala pa ng ahensya na walang inaaprubahang pagtataas ng singil sa pamasahe at nananatili ang minimum fare na P9 sa unang apat na kilometro at dagdag na P1.50 sa susunod na kilometro.

Pinaalalahanan din ang mga PUJ operators, drivers at pasahero na sumunod sa health protocols tulad ng pagmonitor sa body temperature ng pasahero, pagsusuot ng face masks at face shields, social distancing, at 50% lamang ang dapat na sakay na pasahero.

Leave a Reply

%d bloggers like this: