Pananahimik ni Duque sa Philhealth controversy, babasagin ng mga senador

Pananahimik ni Duque sa Philhealth controversy, babasagin ng mga senador

GIGISAHIN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa mga sinasabing anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“The ‘big elephant’ was not in the room during the two Senate Committee of the Whole hearings on PhilHealth’s unbridled corruption,” saad ni Lacson sa kanyang tweet na ang tinutukoy ay si Duque.

Partikular na kukuwestyunin ni Lacson si Duque sa kanyang pananahimik hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian sa Philhealth.

“When he appears on Tuesday, I’ll ask him, being the incumbent ex-officio chairman of PhilHealth, who was present during the shouting match in their last board meeting that effectively triggered these new controversies,” diin ni Lacson.

Tinukoy ni Lacson ang sinasabing sigawan sa meeting ng mga opisyal ng Philhealth hinggil sa sinasabing overpriced IT system.

“Why has he been very quiet in spite of all the anomalies being openly discussed with so many unanswered questions involving highly questionable transactions by PhilHealth,” dagdag ng senador.

Nais ding malaman ni Lacson sa kalihim kung ano ang kanyang irerekomenda sa Pangulo sa gitna ng mga nabunyag na iregularidad.

Maging si Senador Risa Hontiveros ay nagtataka sa pananahimik ni Duque sa kabila ng posisyon nito sa Philhealth.

“He should face and answer us and our questions kasi sa lahat ng ito, ang tanong ko talaga: Nasaan si Secretary Duque? Bakit siya tahimik? He’s really the main official then and until now who should shed light on all of these repeated and serious allegations,” saad ni Hontiveros.

“Si Secretary Duque lang, sa dalawang dekadang ito, ang merong institutional memory about the goings on inside of PhilHealth. So hanggang saan ang involvement niya? Hanggang saan ang knowledge?” dagdag pa ng lady senator.

Leave a Reply

%d bloggers like this: