Refinery ng Pilipinas Shell, tuluyan nang isasara

Refinery ng Pilipinas Shell, tuluyan nang isasara

DAHIL pa rin sa epekto ng COVID 19 pandemic, nagdesisyon ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tuluyan nang i-shutdown ang kanilang refinery sa Batangas at gawin na lamang itong importation hub.

Batay sa pahayag ng Shell, ang kanilang desisyon ay upang mas magamit nila nang maayos ang asset portfolio dahil sa mababang presyo ng mga produktong petrolyo.

“We have the technical capability and financial flexibility to manage and adapt to disruptive conditions,” saad ni Pilipinas Shell president and chief executive Cesar Romero.

“Due to the impact of the COVID-19 pandemic on the global, regional and local economies, and the oil supply-demand imbalance in the region, it is no longer economically viable for us to run the refinery,” dagdag ni Romero.

Noong May 5, una nang inanunsyo ng Shell na isasara sa loob ng isang buwan ang kanilang refining operations sa Batangas.

Sa datos, nasa P6.7 bilyon na ang lugi ng kumpanya sa unang kalahating taon ng 2020.

Leave a Reply

%d bloggers like this: