Duque, may alam sa Philhealth issues

Duque, may alam sa Philhealth issues

NANINIWALA si Senador Risa Hontiveros na may alam si Health Secretary Francisco Duque III sa mga isyung bumabalot sa Philippine Health Insurance Corporation bilang chairman ng board of directors nito.

Sinabi ni Hontiveros na kanyang inaasahan na sa pagharap ni Duque sa Senado ay ilalabas nito ang lahat ng kanyang nalalaman sa mga sinasabing iregularidad sa loob ng ahensya.

“I expect him to tell all lalo na’t mysteriously nanahimik sila sa loob ng nakaraang kalahating buwan samantalang binabayo na naman ang PhilHealth ng mga alegasyon muli ng korupsyon,” saad ni Hontiveros.

“He is obliged to shed light, tulungan ang Senado na alamin ang buong katotohanan,” diin pa nito.

Iginiit ni Hontiveros na ang pananahimik ni Duque ay nangangahulugan ng dalawang bagay.

Una, posibleng alam nito na may kapabayaan siya sa pagpapatakbo sa Philhealth o posibleng may alam siya sa mga anomalya at pinagtatakpan lamang ang mga taong nasa likod nito.

Una nang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kanilang pipigain si Duque sa pagharap sa kanilang pagdinig sa Martes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: