Pagbubukas ng klase, iniatras na sa October 5

Pagbubukas ng klase, iniatras na sa October 5

KINUMPIRMA ni Education Secretary Leonor Briones na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aatras ng pagbubukas ng klase sa October 5 mula sa August 24.

Sa virtual press conference, sinabi ni Briones na batay na rin ito sa rekomendasyong isinumite sa Pangulo noong August 6 matapos isailalim muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

“As per the memorandum of the president, he has given approval to the recommendation of DepEd. Thus, we will now implement such a decision to defer the school opening to October 5 pursuant to Republic Act No. 11480,” saad ni Briones.

Gayunman, magpapatuloy ang orientations, dry runs at delivery ng learning resources.

Muli ring binigyang-diin ni Brione na walang face-to-face learning upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at school staff.

“There will be no face-to-face sessions and sessions will not be limited to online sessions alone. This is because we have adapted the policy of blended learning wherein various modalities are being recommended depending on the situation at the level of the region and the school,” diin ni Briones.

“We are now finalizing arrangements for television programs, radio programs and also our much-favored modular system and printed material plus many other modalities so it’s not limited to online because we know also there are limitations to online,” dagdag pa nito.

Nilinaw din ng kalihim na saklaw ng postponement ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan subalit ang mga private school na nagsimula na ng klase ay maaaring magpatuloy at kinakailangan lamang sumunod sa minimum health standards.

“Kung pipigilan namin sila eh nakaumpisa na, kuntodo involvement na ng mga parents tapos titigilan natin, that would not be useful at all,” paliwanag ni Briones

Leave a Reply

%d bloggers like this: