Senado, rerebisahin ang broadcast content ng DepEd

Senado, rerebisahin ang broadcast content ng DepEd

MAGSASAGAWA ng hearing ang Senado sa kalidad ng mga aralin na gagamitin sa pagtuturo sa pamamagitan ng telebisyon makaraang umani ito ng batikos dahil sa mali-maling grammar at typo errors.

Nag-viral sa social media ang ilang larawan ng Grade 8 lessons kung saan binanat ng netizen ang mga mali-maling lesson.

Bagama’t inamin na ng Department of Education ang mga pagkakamali at nangako na aayusin ang kanilang broadcast content, binigyang-diin ni Gatchalian na dapat maayos ang quality control ng ahensya at hindi dapat minamadali ang mga materyales.

“We’ll probably have another hearing on the content aspect of distance learning because quality control is very important,” saad ni Gatchalian,

“Sa pagpapatuloy ng edukasyon ngayong panahon ng krisis, hindi lang ang pag-abot sa ating mga mag-aaral ang dapat nating pinag-uusapan. Mahalagang tutukan natin kung paano masisigurong dekalidad ang edukasyon na natatanggap nila kahit na sila ay nasa mga tahanan nila,” dagdag pa nito.

Ipinaalala ni Gatchalian na dahil hindi lahat ng magulang ay may kapasidad at kapabilidad na magturo sa kanilang mga anak, malaking bagay ang recorded lessons sa telebisyon para sa pag-aaral.

Leave a Reply

%d bloggers like this: