UP panalo sa hula; Pilipinas may higit 150K COVID-cases na

UP panalo sa hula; Pilipinas may higit 150K COVID-cases na

NALAGPASAN na ng Pilipinas ang prediksyon ng University of the Philippines na 150,000 kaso ng COVID-19 ngayong Agosto nang 153,660 kaso ang naitala nitong Biyernes ng hapon ng Department of Health (DOH).

Sa Case Bulletin No. 153, panibagong 6,216 kaso ang naitala buhat sa test results ng 98 sa 103 laboratoryo sa bansa. Sa naturang bilang, nasa 4,973 o 80% nito ang nangyari mula nitong Agosto 1-14.

Pinakamataas pa rin ang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na may 3,848 kaso o 62%, kasunod ang Region 4A na may 1,016 o 16% at ikatlo ang Region 3 na may 311 naiulat na kaso o 5%.

Kasalukuyang nasa 79,813 ang aktibong kaso kung saan 91.1 porsyento nito ay mga mild cases, nasa 7.3% ang asymptomatic, 0.6% ang severe cases at 1% ang critical cases.

Pumalo naman sa 1,038 ang mga pasyenteng gumaling para umakyat ang kabuuang recoveries sa 71,405 habang 16 ang nasawi para sa death toll na 2,442.

Leave a Reply

%d bloggers like this: