‘Big brother’ sa mga lungsod, pinasisiyasat sa Senado

‘Big brother’ sa mga lungsod, pinasisiyasat sa Senado

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magtagala ng mga cabinet secretaries sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Sa paghahain ng Senate Resolution No. 495, tinawag ni Hontiveros ang hakbang bilang toxic micromanagement matapos makatanggap din ng mga impormasyon na nakikialam ang mga kalihim hanggang sa barangay level.

Iginiit ni Hontiveros na bagama’t mga eksperto sa kanilang mga ahensya ang mga gabinete, hindi naman sila maituturing na bihasa sa health system performance

“Baka sila pa nga ang turuan ng mga mayor,” saad ni Hontiveros.

Hindi rin anya magandang italaga ang mga cabinet secretary na miyembro ng IATF kung ang mismong desisyon ng task force ay nabalot na rin ng mga kontrobersiya.

Ipinaalala ng senador ang pagkuwestyon nila sa procurement ng overpriced personal protective equipment (PPE), ang kwestyonableng datos ng Department of Health, gayundin ang kredibildidad ni IATF Chairperson Secretary Francisco Duque, partikular sa pabagu-bagongn anunsyo sa Covid 19.

“Bakit si Sec. Harry Roque naka-assign sa Pasay? Shouldn’t he be focusing on his job as a presidential spokesperson? At bakit si Sec. Duque sa Quezon City, when as Secretary of the Department of Health, he should be overseeing the overall management of the COVID-19 response? At bakit pagkatapos i-assign si Sec. Nograles sa Quezon City din, sinabi niya na ang mga residente ng QC ay maaaring sumali sa clinical trials ng vaccine galing sa Russia? Iyan ba ang plano nila? Mukhang wala namang datos o siyensiya sa pagdesisyong ito,” diin ni Hontiveros.

“Pagkatiwalaan sana natin ang ating LGUs. Ang mga mayor ang mas may alam at matagal nang umaaksyon sa ground. Dapat gawin nalang mismo ng IATF ang mandato nito na magbigay ng buo at maayos na istratehiya, plano, at suporta,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: