Hazard Pay, ibigay din sa mga janito at guard sa public hospitals

Hazard Pay, ibigay din sa mga janito at guard sa public hospitals

INIREKOMENDA NI Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat bigyan din ng hazard pay ang mga private janitors, guards, maintenance men sa mga pampublikong ospital.

Sinabi ni Recto na kasama ang mga janitor at security guards ng mga medical staff sa public hospitals sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasyente subalit dahil ang kanilang estado ay private service providers ay hindi sila nabibigyan ng dagdag na benepisyo.

“They are unheralded, but they’re important cogs that keep hospitals running,” saad ni Recto.

Sinabi ni Recto na maituturing ding frontliners ang mga sanitation workers, housekeepers, janitors, security guards, equipment at building maintenance staff.

Dahil dito hinikayat ng senador ang Department of health, Department of Budget and Management at ang Kongreso na maglaan ng pondo para mga ito.

Subalit upang mas mabilis ang pagbibigay ng benepisyo, maaaring magpalabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte.

“A cross subsidy is allowed under the law,” diin ni Recto.

Leave a Reply

%d bloggers like this: