MECQ muli hirit ng UP experts

MECQ muli hirit ng UP experts

MULING humirit ng 15-araw pang ekstensyon ng ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’ sa Metro Manila ang mga eksperto ng University of the Philippines (UP) upang mas ganap na mahinto ang pagkalat ng COVID-19.

Iginiit ng UP-OCTA research group, masyado pang ‘premature’ o maaga ang pagtatanggal ng MECQ sa Metro Manila. Kung tatanggalin na umano ito, maaaring umakyat ng 230,000 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa sa pagtatapos ng Agosto.

Sa dagdag na 15-araw na MECQ ay mabibigyan ng sapat na panahon ang mga lokal na pamahalaan na maisaasyos ang pagtukoy nila sa mga dinapuan ng virus para maihiwalay sila at malapatan ng lunas. Kabilang rin umanong mapataas pa ng nasyunal na pamahalaan ang kanilang ‘testing, tracing, isolation, treatment at health system capability’.

“If we lift the MECQ prematurely, we will need to deal with the outbreak in the NCR entering a phase of uncontrolled and very rapid growth,” ayon sa mga mananaliksik.

Ikinatwiran pa nila na ang dagdag na mga panahon para sa MECQ ang tanging paraan para mabuksan ang pamayanan at maumpisahan ang pagtakbo ng ekonomiya.

Maganda umano ang naging epekto ng implementasyon ng MECQ nang bumaba sa 1.12 ang reproduction rate ng virus mula sa 1.15 sa pag-uumpisa ng Agosto.

Ngunit mataas pa rin umano ang reproduction rate sa Metro Manila na naitala sa 1.14 nitong Agosto 9-15 mula sa 1.19 noong Agosto 2-8.

Leave a Reply

%d bloggers like this: