Pasaherong walang face shield, di pasasakayin sa MRT

Pasaherong walang face shield, di pasasakayin sa MRT

HINDI pasasakayin ang mga pasaherong walang suot na face shield bukod sa face mask sa mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa sandaling magbalik-operasyon na sila.

Ito’y bilang pagtalima sa Memorandum Circular 2020-014 na inilibas ng Department of Transportation (DOTr) noong Agosto 3, na nagmamandato sa pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, sa mga pasaherong sasakay ng mga pampublikong transportasyon, kasama na rito ang mga rail lines.

Layunin ng hakbang na ito na madagdagan ang proteksyon ng mga commuters laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mabawasan ang tiyansa na mahawa sa virus.

Ayon sa MRT-3, mananatili pa ring limitado ang bilang ng mga pasaherong maaari nilang isakay sa kanilang mga tren at mahigpit pa ring ipatutupad ang one-meter social distancing sa loob ng istasyon at mga tren. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasalita at paggamit ng mobile phones habang nasa loob ng mga tren.

Pagtiyak pa ng MRT 3 management, regular silang magsasagawa ng pagdi-disinfect sa mga istasyon at kanilang mga bagon upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tren.

Matatandaang muling nasuspinde ang mga biyahe ng mga public transportation sa Metro Manila, simula noong Agosto 4, matapos na magdeklarang muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon, dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang mga kaso ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: