PhilHealth president Morales, 13 pa payag na buksan ang kanilang bank deposits

PhilHealth president Morales, 13 pa payag na buksan ang kanilang bank deposits

Lumagda na si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) President at Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales kasama ang 13 pang opisyal sa waiver ng pagpayag nila na mabuksan kanilang mga bank deposits.

Ito’y kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability hinggil sa sumingaw na malawakang korapsyon sa PhilHealth.

Bukod kay Morales kabilang pa sa lumagda sa waiver ay sina PhilHealth Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel de Jesus; Senior Vice Presidents Atty. Rodolfo del Rosario Jr., Dennis Mas at Jovita Argona; Acting Senior Vice President Nerissa Santiago; Senior Vice Presidents Israel Francis Pargas MD, Oscar Abadu at Renato Limsiaco Jr., Corporate Secretary Jonathan Mangaoang ; Vice President Shirley Domingo MD; Area Vice Presidents Francisco Soria MD at Walter Bacareza at Senior Manager Bernadette Lico.

Ayon sa House Committee on Accounts, binibigyan ng karapatan ni Morales at ng iba pang mga opisyal ng PhilHealth ang pinagsanib na komite ng Kamara para silipin ang kanilang bank accounts.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig nitong Lunes ay iprinisinta ni Morales sa mga mambabatas ang kaniyang ‘ letter of apology ‘ matapos na umalis sa pagdinig noong Agosto 7 dahilan sumama ang pakiramdam nito at kailangang sumailalim sa chemotherapy.

Magugunita na ibinunyag ni PhilHealth Anti-Fraud Officer Atty. Thorsson Montes Keith ang mafia sa PhilHealth na nasa likod umano ng pangungurakot ng P 15.3 bilyong pondo ng publiko sa health insurer. Si Thorsson at dalawa pang opisyal ng PhilHealth ay nagbitiw sa puwesto dahilan hindi na umano masikmura ang garapalan at malawakang koraspyon sa PhilHealth.

Samantalang bukod dito ay iniimbestigahan rin ang PhilHealth sa overpice na pagbili ng Information Technology System na nagkakahalaga ng P 2 bilyon.

Kaugnay nito, anim na Vice Presidente rin ng PhilHealth ang boluntaryong nagsumite ng leave epektibo ngayong Hulyo 17 sa gitna ng masusing imbestigasyon sa katiwalian at korapsyon sa ahensya. Kabilang dito sina Vice Presidents Paolo Johann Perez (Region IV-B), Datu Masiding Alonto Jr. (Region X), Atty. Valerie Anne Hollero (Region VI), Atty. Khaliquzzman Macabato (BARMM), Dennis Adre, at William Chavez.

Leave a Reply

%d bloggers like this: