School calendar inilabas ng DepEd

School calendar inilabas ng DepEd

Magsisimula na ang unang araw ng klase sa Oktubre 5, 2020 at magtatapos sa Hunyo 16, 2021 habang itinakda naman ng DepEd ang Christmas vacation sa Disyembre 20, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021.

Ito ang nilalaman ng inilabas na bagong school calendar ng Department of Education (DepEd) para sa School Year 2020-2021.

Matatandaang unang itinakda ng DepEd ang pasukan sa Agosto 24, ngunit nagpasya silang ipagpaliban ang unang araw ng pasukan matapos na maapektuhan ng ipinatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan ang kanilang isinasagawang preparasyon.

Inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones kay Pang. Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pasukan sa Oktubre 5, na inaprubahan naman nito.

Binigyan naman ng pahintulot ng DepEd ang mga pribadong paaralan at mga non-DepEd schools na magsimula ng klase ng mas maaga sa Oktubre 5,

Ipinaalala rin sa mga pribadong paaralan na online classes lamang ang kanilang gagamitin at hindi magkakaroon ng face-to-face classes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: