Dine-in, barberya, salon atbp puwede na uli

Dine-in, barberya, salon atbp puwede na uli

SA pagtatapos ngayong Miyerkules ng ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)” at pagbabalik ng ‘general community quarantine (GCQ)’, maaari na muling makakain sa labas at makapagpaayos ng buhok o magpaganda sa mga barberya at salon, ayon sa Department of Trade and Industry.

“Business establishments, which were previously closed when Metro Manila and its nearby provinces reverted to modified enhanced community quarantine (MECQ), are set to resume operations on Wednesday, August 19,” ayon kay DTI Secretaray Ramon Lopez.

Bukod sa Metro Manila, balik na sa GCQ ngayon ang mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan mula Agosto 19 hanggang Agosto 31.

Kabilang sa mga ibabalik na operasyon ay ang dine-in sa mga restoran at iba pang food establishments sa 50% kapasidad; salon at barberya sa 30% kapasidad; personal grooming nail at skincare clinics at aestetic shops and clinic sa 30% kapasidad (maliban sa full-body massage); at review at tutorial services sa 30% kapasidad.

Balik na rin ang operasyon ng mga gyms, fitness centers at sports facilities sa 30% kapasidad, internet cafes sa 30% kapasidad at maging pet grooming shops sa 30% kapasidad.

Leave a Reply

%d bloggers like this: