Laptop computers sa mga guro, tablets sa mga estudyante sa Maynila

Laptop computers sa mga guro, tablets sa mga estudyante sa Maynila

“SANA ALL”. Iyan ang mapapabulalas ng marami sa ginawa ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumudmod ng laptop computers at tablets sa mga guro at mga estudyante sa siyudad.

Ito ay bilang paghagi ng paghahanda ng Maynila sa ikinakasang ‘blended learning’ ng Department of Education (DepEd) sa pasukan sa Oktubre 5.

Ang pamamahagi ng libreng electronic gadgets ay makaraan ang memorandum of agreement na pinasok nina Manila Mayor Isko Moreno at herry chief executive officer Maynard Ngu noong Agosto 17.

Sinabi ni Moreno na ekslusibong ipamimigay nila ang Cherry Mobile Magnum 8 at Magnum 10 tablet models na hindi pa ibinibenta sa publiko ng naturang kumpanya.

Sinasabing may HD (high-definition) dislay ito, may Octa-Core processor, LTE connection at may 4GB RAM at 64GB internal memory para sa mas mabilis at malinaw na koneksyon.

Hindi rin basta-basta ang ipamimigay na laptop computer na may brand na Avita Pura na may AMD A9 processor, 8GB na RAM at 256 memory na SSD type na.

Sinabi naman ni Moreno na naglagay sila ng mga ‘safeguards’ para matiyak na hindi maaabuso ang paggamit ng naturang mga gadgets.

“Particular websites will be blocked, iyong connection po ay dedicated sa Google, classroom requirements at curriculum ng Department of Education. Kaya iyong nangangambang mga magulang, huwag po kayo mag-alala,” paliwanag ni Moreno.

Leave a Reply

%d bloggers like this: