Lifesaver loan para sa mga negosyo, inirekomenda

Lifesaver loan para sa mga negosyo, inirekomenda

IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros ang pagbalangkas ng ‘lifesaver’ loans para sa mga micro and small enterprises sa Bayanihan to Recover as One Act or the Bayanihan 2.

Sinabi ni Hontiveros na upang tulungan pa ring mabuhayang maliliit na negosyo dapat mabigyan sila ng ‘pay-when-able’ loans para makabangon sa epekto ng Covid 19 pandemic.

“Micro and small businesses that provide livelihood are losing money. Some have closed shop already. Their banworkers and employees are being laid off. Wala na rin silang kumpyansang mangutang dahil walang kasiguraduhan kung makakabayad. Kailangan nila ng ayuda at suporta,” saad ni Hontiveros.

Sa rekomendasyon ni Hontiveros ang loans ay dapat na ibigay ng mga government-owned banks tulad ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

Naniniwala ang senador na sa pamamagitan ng programa, maibabalik ang kumpiyansa ng mga negosyante.

“Kapag may option na ‘pay-when-able’, hindi sila mag-aatubiling mag-avail dahil para itong utang sa anak o pamangkin mo na pwedeng ipagpaliban ang bayad. Kung kulang yung cash pambayad ng lahat ng loans, unang babayaran ang utang sa commercial bank. This will give creditors the confidence to restructure commercial loans, dahil alam nilang may line of credit galing sa ‘kamag-anak,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: