Philhealth officials, maliligo sa kaso – Lacson

Philhealth officials, maliligo sa kaso – Lacson

BINALAAN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Philhealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales kasama ang iba pang opisyal na maliligo sa kaso ang mga ito sa sandaling maisumite na ng Senado ang kanilang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ).

“Malamang maliligo kayo ng kaso kapag ibinahagi na ni Senate President Tito Sotto Kay DOJ Secretary Menardo Guevarra ang lahat na records ng proceedings ng pagdinig na sinasagawa namin,” saad ni Lacson sa kanyang opening statement sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa mga alegasyon laban sa Philhealth.

“Ngayong panahon pa man din ng pandemya na hindi man lang ninyo pinatawad. Kaya huwag ninyo asahan na papatawarin kayo ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na posibleng maharap ang mga opisyal sa Malversation of Public Funds or Property, paglabag sa National Intenal Revenue Code at Anti-Graft and Corrupt Practices Act or RA 3019.

Sa pagdinig, pinuna ni Lacson ang pagsisinungaling anya ni PhilHealth Senior Vice President for Fund Management Sector Renato Limsiaco Jr. hinggil sa pagbabayad ng withholding tax ng Philhealth sa inilabas pondo para sa interim reimbursement mechanism (IRM).

Bilang patunay, inilabas ngn senador ang memorandum na pirmado nina Morales at Limsiaco na nagsasaad na nairemit na nila ng 2% ng kanilang expanded withholding tax sa BIR.

“The memorandum was dated August 7 or four days after Limsiaco patently lied to the august committee,” diin ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na inatasan din nina Morales at Limsiaco ang regional vice presidents na mag-isyu ng BIR Form 2307 sa health care institutions (HCIs) na nakatanggap ng IRM advance payments.

“Ang BIR Form 2307 ay iniisyu bilang katibayan na nakapagbayad na ng expanded withholding taxes ang isang ospital para sa kanilang IRM advance payment na tinanggap,” paliwanag ni Lacson.

“Kung susundan natin ang argumento ni SVP Limsiaco na wala pang buwis na nakokolekta sa mga ospital, hindi ba bukod sa pagsisinungaling, inutusan pa nila ni Gen Morales ang mga RVPs na mag-commit ng krimeng Falsification of Public Documents?” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: