Sen. Revilla, isinugod sa ospital dahil sa Covid 19

Sen. Revilla, isinugod sa ospital dahil sa Covid 19

HINDI na kinaya ang home medication at isinugod na sa pagamutan si Senador Bong Revilla makaraang magkaroon na ito ng pnuemonia dulot ng Covid 19.

Kinumpirma ng kanyang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na nagkaroon ito ng pnuemonia at hindi na advisable ang isolation sa regular na pasilidad.

“Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed,” saad ng alkalde sa kanyang social media.

Noong August 9, kinumpirma ni Revilla na nagpositibo siya sa Covid 19 habang ang kanyang asawa at mga anak ay negatibo naman.

“Nakakalungkot po na balita – I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat,” pahayag ni Revilla noong Agosto 9.

Si Revilla ang ikaapat na senador na nagpositibo sa Covid 19 kasunod nina Senador Migz Zubiri, Sonny Angara at Koko Pimentel.

Leave a Reply

%d bloggers like this: