Halos kalahati ng mga namatay sa Covid 19, hindi nakapagpaospital

Halos kalahati ng mga namatay sa Covid 19, hindi nakapagpaospital

KINUWESTYON ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) ang datos na halos kalahati ng mga namatay sa COVID 19 ang hindi man lamang nabigyan ng tamang medikasyon sa mga pagamutan.

Sa datos ng DOH, sa 2,681 na namatay sa virus, 1,286 ang hindi na inadmit sa mga pagamutan o medical facilities o katumbas ng 48% ng kabuuang bilang.

Nangangahulugan anya ito na pito sa bawat 10 Covid 19 patient na nasa kategorya ng critical ang hindi nakatnggap ng medikasyon.

“Mas masakit po pag tiningnan natin itong data na ito. Halos kalahati ng mga namatay, 48 percent … ang hindi man lang na-admit sa ospital. Adequate po ba talaga ang ating mga ospital?” saad ni Villanueva.

“I wanted to find out… what explains the fact that among active cases, there are more patients with severe and critical conditions who are not admitted than admitted? Tatlo lang yung possibility. Una: Maaaring walang ospital. Pangalawa: full yung ospital. Pangatlo, natatakot magbayad at ‘di nila alam na ang PhilHealth ay makakatulong sa kanila,” diin pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: