Hustisya sa mga sundalong pinatay ng pulis, mailap pa rin – AFP

Hustisya sa mga sundalong pinatay ng pulis, mailap pa rin – AFP

DISMAYADO si Armed Forces of the Philippines chief, Lieutenant General Gilbert Gapay na ilang buwan na ang nakalilipas subalit wala pa ring hustisyang maibigay sa apat na sundalo namatay sa pamamaril ng mga pulis sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29.

“It’s been almost two months since this incident happened but we were surprised there were no charges yet so we hope that there will be swift disposition of justice here,” saad ni Gapay sa pagdinig sa Senado.

“Ang hinihiling ng mga pamilya ng mga namatay ay talagang lalabas ang katotohanan at ang justice will be given,” diin nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order, humarap ang siyam na pulis na nasa ilalim ng restrictive custody sa Camp Crame.

Sinabi ni Gapay na dating commander ng Philippine Army nang maganap ang pagpatay na maisampa na ang kaso sa korte upang matukoy ang tunay na motibo.

Sa kabilang dako, tiniyak ni PNP chief Police General Archie Gamboa na handa nilang isuko ang siyam na pulis kung mag-isyu na ng warrant of arreset ang korte.

“I suggest that that portion of criminal charges will be tackled by the courts. Let them determine whether the nine policemen are really guilty of the charges against them,” diin ni Gamboa sa pagdinig.

Samantala, lumitaw sa pagdinig ng Senado na magkataliwas ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at PNP kaugnay sa kaganapan kaugnay sa pagpatay sa mga sundalo.

Ilan sa mga hindi magkakatugmang findings ng NBI at bersyon ng PNP ay ang pagharang sa checkpoint sa mga sundalo, ang sinasabing habulan gayundin ang detalye ng pamamaril.

Sa pagdinig, paulit-ulit na tinanong ni Senador Bato dela Rosa ang team leader ng mga pulis na si Police Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri kung sino ang unang nagpapaputok ng baril kung san sinagot ito ng pulis na hindi na niya alam dahil agad nang nagkaputukan.

Gayunman sa imbestigasyon ng NBI, lumitaw na ang pulis na nakilalang si Patrolman Alkajal Mandamang ang unang nagpaputok sa sasakyan ng mga sundalo.

Subalit sa kwento ni Mandangan, sinabi nitong lumapit siya sa Montero at lumabas ang isa sa mga sundalo na may bitbit na M4 kaya niya ito binaril.

Leave a Reply

%d bloggers like this: