May edad 50-anyos pababa tagakalat ng virus

May edad 50-anyos pababa tagakalat ng virus

ANG mga taong nasa edad 50-anyos pababa ang natagpuang karaniwang dinadapuan ng COVID-19 at sila rin umano na tagapagpakalat nito sa mga bansa na nasa Asya Pasipiko, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa WHO, ang mga taong nasa kanilang 20s, 30s at 40s ay dinadapuan ng virus na maaaring hindi nila alam dahil sa walang sintomas o mild lamang at naikakalat sa mga nakasasalamuha kung saan pinaka-naaapektuhan ay ang mga matatanda o ang ibang kabilang sa ‘vulnerable population’.

“The epidemic is changing. People in their 20s, 30s and 40s are increasingly driving the threat,” ayon kay WHO Western Pacific regional director Takeshi Kasai. “Many are unaware they’re infected with very mild symptoms or none at all,” paliwanag pa niya.

“What we are observing is not simply a resurgence. I believe it’s a signal that we’ve entered a new phase of the pandemic in the Asia-Pacific (region),” giit pa ni Kasai.

Sa datos ng WHO, nasa two-thirds ng mga dinapuan ng virus sa Japan ay pawang mga nasa edad 40-pababa. Higit rin sa mga pasyente sa Pilipinas at Australia ang nasa naturang age group.

Leave a Reply

%d bloggers like this: