10 tao kada misa, hindi patas- Obispo

10 tao kada misa, hindi patas- Obispo

HINILING ni Bishop Broderick Pabillo ng Archdiocese of Manila na maging patas sa simbahan ang pamahalaan makaraang muling ibalik sa 10 tao ang limitasyon ng mga makakadalo sa bawat misa ng mga simbahan habang mas malaking kapasidad ang ibinibigay sa mga establisimiyento ng negosyo.

“Parang ‘di naman tama na bibigyan mo ng 30 percent ang mga restaurant, tapos sa simbahan 10 tao lang. Mas malaki naman yung simbahan kesa sa restaurant. Parang ‘di logical,” ayon Pabillo.

inabi ni Pabillo na kung binibigyan ng mas malaking kapasidad ang mga negosyo, nararapat rin na ibigay rin ito sa mga simbahan. Nang ilagay sa ‘modified enhanced community quarantine’ ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan, itinigil ng simbahan ang pagtanggap ng tao sa kanilang misa bilang pagsunod sa protocols.

Ngayong ibinalik muli ang ‘general community quarantine (GCQ)’, muli uling tatanggap ng mananampalataya ang simbahan ngunit hanggang 10 tao lamang. Dati nang umapela dito ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsasabi na iba-iba naman ang laki ng mga simbahan lalo na sa Metro Manila na dapat ikunsidera ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Handa namang sumunod ang simbahan sa mga ipinatutupad na ‘mininum health standards’ tulad ng paglilista sa mga pumapasok sa simbahan para sa contact tracing, pagpapatupad ng physical distancing, disinfection, paggamit ng alkohol at pagkuha ng temparatura sa mga pumapasok habang nagbuo rin sila ng isa pang ministro na tututok sa kalusugan sa mga simbahan.

Handa rin naman umano ang mga nagsisimba na magsuot ng face mask at shields habang dumadalo sa misa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: