Chinese beauty products, may label na Manila Province of China

Chinese beauty products, may label na Manila Province of China

TILA nasakop na ang Maynila ng mga Chinese nang maglabas ng mga beauty products na may address na Manila Province of China.

Dahil dito, ipinasara ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ilang establisimiyento na nagtitinda ng mga produktong pampaganda na may nakatatak sa pabalat na Manila Province, China”.

Pinangunahanni Business Processing and Licensing Office Director Levy Facundo ang operasyon ng pagpapasara ng apat na tindahan sa may Binondo at sa Divisoria Mall na nagtitinda ng naturang mga produkto.

Photo c/o Manila PIO
Photo c/o Manila PIO

Ito ay makaraang kumalat sa social media ang larawan ng isang “Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair” na may nakasaad na address ng kumpanya nito sa “707 Sto. Cristo St. San Nicolas, Manila Province, P.R. China.”

“Wala pong Binondo sa China, ang Binondo sa Maynila. ‘Yan ay isang malaking insulto sa atin at hindi tayo papayag,” ayon kay Facundo.

Hinihingan ngayon ng BPLO ang may-ari ng mga establisimiyento ng kanilang Mayor’s Permit, Manila Health Dept. permit, at mga papeles mula sa Food and Drugs Administration (FDA) habang magsasagawa na rin ng inspeksyon sa mga kalapit na mga tindahan.

Nabatid na tumugon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panawagan ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles na aksyunan ito. Natukoy ni Nograles ang distributor ng beauty product na pag-aaari umano ng isang Chinese national.

Leave a Reply

%d bloggers like this: