P165B pondo para sa Bayanihan 2, aprub na sa bicam panel

P165B pondo para sa Bayanihan 2, aprub na sa bicam panel

APRUBADO na sa bicam panel ng Kongreso ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa inaprubahang panukala, aabutin ng P165 bilyon ang pondong ilalaan para sa mga hakbangin upang makabangon ang bansa sa krisis na dulot ng Covid 19 pandemic.

Sa naturang halaga, 140 bilyon ay tiyak nang may mapagkukunan ng pondo habang habang standby fund ang P25 bilyon na ang ibig sabihin ay mapopondohan kapag nagkaroon na ng bagong savings o karagdagang koleksyon ang gobyerno.

Ayon kay Angara, katulad sa Bayanihan 1, ang Bayanihan 2 ay mabibigyan din ng emergency powers ang pangulo dahil nasa emergency situation pa rin ang bansa.

Maituturing din anya itong batas para sa survival at recovery ng bansa mula sa pandemya.

Sa P165 bilyon na budget, ang 25% budget o mahigit P40 bilyon ay para sa health sectors at magkakaron ng P10,000 kada buwan na special risk allowance ang bawat health workers mula sa pribado at pampublikong ospital at P15,000 kapag nagkaroon sila ng mild at moderate na COVID-19 infections.

Bukod pa ito sa naunang probisyon sa Bayanihan 1 na bibigyan ng P1 milyon ang pamilya ng health worker kung ito ay masawi dahil sa Covid 19 at P100,000 para sa health workers na magkakaroon ng severe infection.

Naglaan din ng P5 bilyon para sa contract tracing, P8.9B para sa sa edukasyon, P4.5B para sa isolation and quarantine facilities, field hospitals at dormitories para sa frontliners.

Gayundin ang P3B para sa PPE procurement, P13B para sa Assistance sa displaced workers, P9.5B para sa transportasyon ; P10B para sa standby funds sa COVID-19 testing.

Hindi naman tulad sa Bayanihan 1 ang mabibigyan na lamang ng ayuda na P5,000-P8,000 ay ang mga apektadong low income family sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine o hard lockdown at sa pamilya ng mga pinauwing OFWs.

Ayon kay Angara, hanggang Disyembre 19, 2020 ang bisa ng Bayanihan 2.

Leave a Reply

%d bloggers like this: