10-taong limitasyon sa mga simbahan, mananatili

10-taong limitasyon sa mga simbahan, mananatili

HINDI mapagbibigyan ng Inter-Agency Task For the Management of Infectious Diseases (IATF) ang hiling ng Simbahang Katolika na pataasin ang kapasidad ng mga dumadalo sa misa at mananatili pa rin ito sa 10 tao dahil sa mahigpit na kunsiderasyon sa kaligtasan.

“Much as I would like to have a progressive and continuous movement, public health considerations bear heavily on IATF decisions,” ayon kay IATF member at Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na nais kasi ng mga miyembro ng IATF at mga Metro Mayors na magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa ilalim ng GCQ (General Community Quarantine) kaysa sa ipinatutupad bago ideklara ang nakalipas na ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’.

Sa ilalim ng dating GCQ, pinapayagan na maglaman ang mga simbahan ng hanggang 10% kapasidad ng mga simbahan kada misa habang sa mga lugar na nasa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’ naman ay hanggang 50% ng kapasidad ng mga simbahan.

“Now, the NCR has de-escalated to GCQ, so dapat akyat uli sa 10 percent max ang attendance. Pero the Metro Manila mayors wanted a strict type of GCQ. So religious worship and other mass gatherings were kept at 10 pax maximum,” katwiran ni Guevarra.

Hindi naman masagot ni Guevarra ang pagkukumpara ni Manila Bishop Broderick Pabillo sa mga establisimiyentong pang-komersyo na pinayagan na maglaman ng hanggang 30% ng kanilang kapasidad ngayong GCQ.

Leave a Reply

%d bloggers like this: