2 Chinese na may pakana ng “Manila Province of China” ipina-NBI

2 Chinese na may pakana ng “Manila Province of China” ipina-NBI

DAGDAG na problema ang kahaharapin ngayon ng dalawang Chinese national na utak ng “Manila Province of China” label sa isang beauty product nang dumulog na rin sa National Bureau of Investigation (NBI) si Manila City Mayor Isko Moreno upang magsagawa ng imbestigasyon at masampahan sila ng kaso.

“We are requesting that an investigation be conducted on the business operations of EFPBI and if warranted, cause the filing of criminal complaints against the corporation and its officers and/or incorporation,” ayon kay Moreno.

Kinilala ni Moreno ang dalawang Tsino na sina Zhong Xing at Shi Li Li, nag-ooperate ng mga stalls sa Binondo at sa Divisoria Mall.

Sa kaniyang liham kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, sinabi ni Moreno nilabag ng Elegant Fumes Beauty Products Inc. (EFBPI) ang Section 40(a) at 88 ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines, Section 10 ng RA 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at pagsasagawa ng online selling na walang kaukulang mga permiso.

Isinulong rin ng alkalde ang deportasyon ng dalawang Tsino sa Bureau of Immigration (BI).

“We are requesting that deportation proceedings be initiated against Shi Zhong Xing and Shi Li Li. We are willing to submit relevant documents that may be used in the said proceedings,” bahagi ng liham ni Moreno sa BI.

Lantarang tinuligsa rin ng alkalde ang ginawa ng dalawang Tsino na sinabi niyang pambabastos sa soberenya ng Pilipinas bilang isang bansa.

“Hindi natin hahayaan ang mga superpower na yan na parang tayo ay pinipitik-pitik lang tayo sa mata at binabalewala nila ang soberentiya ng ating bansa at dito pa gagawin sa Maynila,” diin pa niya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: