Daan-dang nurses pinayagang sa abroad magtrabaho ngayong pandemya

Daan-dang nurses pinayagang sa abroad magtrabaho ngayong pandemya

SA HALIP na sa Pilipinas magserbisyo, isinusulong ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magtrabaho sa ibang bansa ang daan-daang mga nurses at medical workers.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa pagitan ng 600-900 mga nurses at medical workers ang nakakumpleto na ng mga requirements para makapagtrabaho sa ibang bansa.

“I appealed to the IATF (Inter-Agency Task Force) na kung maaring pahintulutan na silang makaalis,” ayon pa kay Bello.

Ang nakatakdang pag-alis ng mga nurses ay habang nasa kasagsagan naman ang Deparment of Health (DOH) ng pagre-recruit ng mga medical healthworkers para matugunan ang kakapusan ng mga pagamutan sa mga nurses at iba pang healthcare workers dahil sa dami ng nagkakasakit ng COVID-19 dito sa bansa.

Una nang ipinagbawal ng Philippine Overseas Employment Administration ang pagtatalaga ng mga Filipino health care workers sa ibang bansa nang unang pumutok ang COVID-19 sa Pilipinas.

Ngunit ikinatwiran ni Bello na may exemption umano sa deployment ban patungkol sa mga nurses at medical workers na nakumpleto na ang lahat ng pangangailangan at nakapirma na ng kanilang kontrata sa destinasyong bansa.

Nanawagan naman si Bello partikular sa mga pribadong ospital na magbigay ng mas mataas na sahod sa mga nurses at medical workers para hindi mapilitang mangibang-bansa at manatili sa Pilipinas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: